Dalawang URI ng PANGNGALAN (NOUN)
1.
Pangngalang Pambalana - ay
karaniwang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay o gawain. Nagsisimula ito sa
maliit na titik.
2. Pangngalang Pantangi - ay
tiyak na ngalan ng tao, hayop, pook, hayop, bagay, araw, buwan at pagdiriwang. Nagsisimula ito sa
malaking titik.
Halimbawa:
PAMBALANA |
PANTANGI |
1. buwan |
Enero |
2. araw |
Lunes |
3. siyudad |
Baguio City |
4. bansa |
Pilipinas |
5. aso |
Spot |
6. bulaklak |
Sampagita |
7. presidente |
Rodrigo Duterte |
8. bundok |
Makiling |
9. lalawigan |
Bataan |
10. mag-aaral |
Chariz |
11. guro |
Gng. Aquino |
12. shampoo |
Palmolive |
13. sabon |
Safeguard |
14. punungkahoy |
Nara |
15. sapatos |
Adidas |
16. tinapay |
Gardenia |
17. fastfud |
Greenwich |
18. pista |
Panagbenga |
19. bayani |
Jose Rizal |
20. parke |
Luneta |
21. pinsan |
Harper |
22. doktor |
Dr. X |
23. sayaw |
Tinikling |
Gamitin sa pangungusap:
1. Ako ay isang Pilipino.
2. Ang ating pambansang bulaklak ay ang Sampagita.
3. Maraming tao ang nagsasadya sa Baguio City tuwing pista ng Panagbenga.
4. Inakyat ko ang bundok Makiling.
5. Namasyal sila sa Luneta.
6. Tuwing Linggo ay maraming tao sa Rizal Park.
7. Pumunta sila sa Japan noong Disyembre.
8. Ang aking kaklaseng si Kurt ay makulit.
9. Ang Hagdan-Hagdang Palayan ng Banawe ay isang kahanga-hangang nagawa ng tao.
10. Ang pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ay matalino.