Thursday, July 27, 2017

Mga Uri ng Anyong Lupa at Anyong Tubig

Anyong Lupa
  • Ito ay pisikal na katangian ng isang lugar ayon sa anyo sa ibabaw at lokasyon nito.


Tangway - pahaba at nakausling anyong lupa na pinaliligiran ng tubig.

Kapuluan- mga grupo ng malalaki at maliliit na pulo na napapaligiran ng katubigan.
Isang halimbawa nito ay and Hundred Islands ng Pangasinan.


Bulubundukin -matataas at matatarik na bundok na magkakatabi at sunud-sunod.
Sierra Madre ang  pinakamahabang bulubundukin ng Pilipinas.


Bulkan - isang uri ng bundok na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman  ng lupa.
Ito ay may dalawang uri: ang tahimik ( matagal n hindi sumasabog) at aktibo (maaaring sumabog anumang oras ). Tahimik na bulkan ang Bulkang Makiling habang aktibo naman ang Bulkang Pinatubo.
Bundok -  isang pagtaas ng lupa kung saan may matatarik na bahagi at ito ay mas mataas kaysa burol.
Ang Bundok Apo at Banahaw ang halimbawa nito.
Burol -  pabilog ang hugis nito at  mas mababa kaysa sa bundok.
Ang  kilalang burol ng Pilipinas ay ang Chocolate Hills ng Bohol.
Baybayin - ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat

Disyerto -  mainit na anyong lupa.
Kapatagan -  ay patag at pantay na lupa. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
Sa Pilipinas ang kapatagan ng Gitnang Luzon ay halimbawa nito.
Lambak - isang kapatagan na napaliligiran ng mga bundok.
Lambak ng Cagayan ay isa sa mga lambak ng Pilipinas.
Talampas - patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang mataas na lugar.
Pulo -  lupain na napalilibutan ng tubig.
Tangos - mas maliit sa tangway

Anyong Tubig
  • Ito ay malaki o maliit na pag-ipon ng tubig na umaagos, nakatakip o nakapaibabaw sa bahagi ng mundo.
 Karagatan - pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito.
Mga kilalang karagatan: Pasipiko, Atlantiko, Indiyano, Artiko at Katimugang Karagatan.
Dagat - malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.



 Bukal -anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.


Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

Golpo - isang malawak na look.


Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat.
Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.
Kipot -  makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. 

Talon -  matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.
Lawa -  anyong tubig na napapaligiran ng lupa.


No comments:

Post a Comment